Friday, July 01, 2005

split na sina gabby at vaness wu

split na sina gabby, my younger daughter, at si vaness wu. di ba sunday, nalaman ko na boyfriend pala ng 4 year old daughter ko si vaness. at di ba dapat mag-de-date pa sila nung sunday night ng 8:00.

monday, while on my way to the office (hinatid ako ni gabby):

me: nak, musta na boyfriend mo?
gab: wala na.
me: ha?! wala na? bakit?
gab: wala lang. (complete with shrug of her shoulders and taas ng kamay with palms to the sky)
me: anong wala lang?
gab: wala lang. (again, complete with shrug of her shoulders and taas ng kamay with palms to the sky)
me: di puwedeng wala lang. ano, nag-away ba kayo? nagsawa ka na sa kanya?
gab: nagsawa na ko.

ganun lang. at natapos na ang kanilang relasyon. sabi ko kay gab, mabuti na rin yun. para maka-concentrate siya sa studies niya. maluwag naman niyang tinanggap ang mga pangyayari. kanina, tinanong ko siya kung may bago na siyang boyfriend. wala pa raw. busy raw siya sa school. sabi ko, good para siya ang may pinakamataas na grade sa buong kinder. sa katunayan, di pa sila tinuturuang magsulat pero nakita ko ang isang notebook ni gab na may mga sulat na. naiintindihan na actually yung words. sabi niya, inisa-isa daw niyang gayahin yung letters na sinulat ni teacher. natuwa naman ako. sana bago magka-boyfriend ulit si gab, makilatis ko muna.

5 comments:

shiva said...

hi sis! im the makulit person texting you irrelevant queries hehehe :) stumbled upon your blog. nakakatuwa naman mga anak mo and how open they are with you.

in fairness, mahilig sa chinito't unat si gab. siguro yun ang mga kailangan mong abangan pagtanda niya. unless ma-reverse ang situation at mahilig siya sa tall, moreno kalbo guys like goma.

ingat ka & hope to meet you someday :)

bimbo said...

Hilarious!

My 9 year old son has several relationships going on with various Qpids(?) girls. I told him nga, "'Nak, tirhan mo naman ako..."

hehe

OT.
I congratulate you and jove for keeping us well informed throughout this crisis. keep up the good work!

tinapa said...

shiva, binisot nga kita sa kanya e. hehe!

bimbo, kakaloka kids now no?

overratedbitch said...

ay, yun ding anak ko, ganyan!

(diba nga, tinapa, kailangan pang gawan ng excuse letter?)

ambisyosa!!! ilonah jean!

shiva said...

haha sis, binisot or binisto? kung ano man ang meaning ng binisot, pag single na siya pakilala mo sakin ha. crush ko talaga siya eh. nasa journal ko nga ang confession of my accidental infatuation for him. ay, pareho ba tayo ng pinaguusapan? hahaha!