If you could read my mind love
What a tale my thoughts could tell
marahil maihahambing sa isang telenovela ang buhay ni jtm. may misteryo, may karahasan, matindi ang mga conflict, may mga sikretong unti-unting nabubunyag, nagkalat ang drama.
himala, kasalanan bang humingi ako sa langit ng... isang himala...
isang kulog lang... mukhang di imposible ang hiningi niyang senales mula sa langit. umulan kasi noong sinundang gabi. malakas ang ihip ng hangin. pero lumubog na ang araw, natapos na ang trabaho ko sa opisina, papauwi na nga ako e, di pa rin kumukulog.
Darling I know it's so hard to let a love go,
it's not easy letting love go,
it's so hard to let a love go.
Darling don't I know,
it is never easy letting go
when it's gone on and on and on and on.
akala niya, nakumbinsi niya kaming nalagpasan na niya ang mga krisis sa kanyang lovelife. akala rin niya, nakumbinsi na niya ang kanyang sarili.
sinong dakila, sino ang tunay na baliw?
di naman daw siya delusional. "i'm just indulging my..." nakalimutan ko na kung anong salita yung ginamit niya.
Some good times I remember - my birthday that September,
We lay down on the lawn,
And counted until dawn,
The stars that we lay under.
And is he still, I wonder,
the fairest of them all,
mirror,Mirrorball.
sa kabila ng mga hinanakit at kasinungalingang naikuwento niya sa akin, nangingibabaw pa rin ang magaganda niyang alaala sa isang nakasama sa kanyang nakaraan.
pero tutulungan ko pa rin syang magising sa kanyang bangungot. maganda ang bukas. maliwanag. naghihintay doon ang para sa kanya.###
3 comments:
ang masasabi ko lang kay jtm....
may mga nangyayari sa buhay natin na hindi natin kayang ipaliwanag kahit anong hagilap mo sa sagot....
lalo na sa pag-ibig.
masakit mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung marami ka nang naipundar na emosyon at pagmamahal...
pero, ganun talaga.
ginawa ang tao para magmahal, masaktan, magmahal muli, masaktan muli...magmahal na naman at masaktan na naman.
tuloy dapat ang ikot ng mundo...
kahit ano pa ang mangyari.
hi tina! isao 'to. found your blog through JT's page. kamusta ka na?
nakakaaliw itong post mo. nakakarelate naman ang lula mo sa mga drama nyang taong 'yan.
visit my blog, pero walang bagong entry. the summer heat has temporarily stopped my cerebrum from functioning ok, hehehe! :)
ano ba yan... hindi ko ma-dig. ang lalim.
Post a Comment