may 13, 2005, sa master's bedroom. maghahatinggabi na noon. pinipilit kong matulog dahil mahaba ang araw ko kinabukasan. at sunod-sunod din yung mga gabing puyat ako.
but no!
ang aking mga munting anghel, hyper!
alex (the older daughter): mommy, tomorrow, i'm going to make you a special breakfast. hotdogs, hard-boiled egg and ahhmmm...
ako: what, 'nak?
alex: ahm... and salt and pepper.
tpp: wow, thanks! that's so sweet.
alex: what drinks do you want?
tpp: cold chocolate?
alex: ok. cold chocolate. and chicken soup with chicken.
gabby (the younger but more makulit daughter): siyempre, chicken soup with chicken. kung walang chicken, walang chicken soup.
alex: hay naku, gabby. mag-joke ka na lang sa self mo.
gabby (sincere siya sa sagot niya): eh sinong tatawa?
hirap na hirap akong pigilin ang aking halakhak. nagkukunwa akong patulog na.
alex: ha?
gabby: sinong tatawa?
alex: alam ko na. ako sasagot, ikaw tatawa.
gabby: sige. (ayan na, bumubuwelo nang mag-imbento ng sarili niyang joke.) anong tao ang kumakain ng self niya?
alex: kakainin ko na lang self ko.
gabby: mwahahaha! (bahagyang nakapikit, nakatingala habang kita ang lalamunan sa plastic niyang pagtawa. bubuwelo na naman para mag-joke ulit.) anong light ang nag-iilaw sa yo?
nakasanayan na naming matulog ng may isang lamp na nakabukas. katabi yon ni alex.
alex: e di lampshade.
gabby: (babagsak ang mukha) ohhh, that makes me so sad. (sabay tutungo.) hmp! (tatakpan ang kanyang mukha ng maliit niyang unan na hugis elepante at saka hihiga. na-sad talaga siya!)
tpp: what's wrong, baby?
hihikbi-hikbi si gabby. kinabukasan ko pa malalaman kung bakit siya nalungkot. di raw kasi lampshade ang sagot. lamp lang. si ate alex naman kasi e. mali ang sagot!
balik sa eksena sa kuwarto.
tpp: nak, sleep na tayo. mommy has to sleep na. masakit katawan ko. meron ako e.
gabby: anong meron?
tpp: ahm... meron? i have mens.
gabby: what's mens?
tpp: (censored, medyo graphic although sanay doon ang mga anak ko.) pag big girls, meron talaga non.
gabby: e big boys?
tpp: wala. big girls lang.
gabby: si yapie (yaya pie), big girl na.
tpp: yeah. meron din siya. tsaka si ate erika (cousin nila), meron na rin siya.
alex: (sisingit sa usapan. akala ko tulog na siya.) yung mens yung lumalabas pag masungit.
sa pagkakataong ito, di ko na napigilan ang aking pagtawa. pero siyempre, kailangang may gawin akong paglilinaw.
tpp: nak, di naman automatic na lalabas yon pag masungit. kahit meron non, puwedeng di masungit. tsaka puwedeng masungit kahit walang mens. tingnan mo ko ngayon. di naman ako masungit.
matatawa si alex sa sarili niya.
tatahimik ang kuwarto. papatulog na ko nang biglang...
gabby: (in a very small voice) mommy, di ako maka-sleep. hintayin ko na lang si daddy kasi iki-kiss ko siya. (kung kilala nyo si gabby, alam nyong may milagrong nangyari kaya niya nasabi ito. ayaw na ayaw nga niyang maririnig na kamukha niya ang tatay niya e.)
siyempre, natuwa naman ako.
tpp: oh, that's so sweet!
alex: (eeksena) mommy, promise talaga. special ang breakfast mo tomorrow.
tpp: thanks, 'nak!
gabby: (ibabalik ang spotlight sa sarili niya) love ko si daddy. love ko kayong lahat. pati mga friends mo, mommy. hindi lang yung boy na nang-aasar sa akin.
iisa lang ang pinatatamaan ni gab dito. walang iba kundi si cesar apolinario. sa unang tapak kasi ni cesar sa bahay namin, sinikap na nitong mapalapit sa aking mga anak, lalo na kay gabby. kaso ang lolo mo, mali ang style na ginamit. nagsayaw ba naman ng ocho-ocho sa harap ni gab. ayun, mortal enemies tuloy sila ngayon.
at ako naman, kahit isang oras nang nagpanggap na tuod at di gumalaw sa pagkakahiga, di pa rin agad nakatulog. ###
5 comments:
eh bakit ako, big girl na, wala namang mens? waaaaah! mommy, something's wrong! waaaaah!
(i must note na naaaliw ako sa anak mong si Gabby ha!)
ate, may hangganan ang kakayanan ng siyensiya at may limitasyon ang gustong ibigay ni Lord.
i'm sure, maaaliw din sa yo si gab.
o ano, dinagdag mo na ba ako sa friendster mo?
opo. di kasi regular mag-check ng email e. tamo, ang sasabihin dun "whew, issey must really like you!", as if!
oist, dumaan ka naman ng blog ko, mag-iwan ng komento ng magkaroon naman ng pristihiyo ang lintek na page ko. walang wawa e, di katulad nung kay JT may "stalkerS" sya (quiet ka lang, me utang akong ipapa-date dun e), wehehe!
kasi naman po, ateng, when you click on the blogger name, it automatically sends you to my page. you are not knows this? my gas!
hindi naman. sino ba naman ako para magtaray? eh kilay mo pa lang, tuma-tumbling na ako sa takot (chika!)
kamusta pa la ang brekpas mo na espesyal, kertesi ob yer doter dires?
Post a Comment