Wednesday, August 10, 2005

gabby got a star!


star
Originally uploaded by tinapperez.
a few weeks ago, alex came home with a star pinned to her uniform. the stars, aside from the hello kitty stamps on the students' notebooks, are given to students who excel. yung hello kitty stamps - binibigay per assignment. marami na si gab nun. yung stars na pin, usually for overall excellence including excellence in leadership.

that same day, as gabby was exiting from her classroom, napansin ng lola na nakatungo si gabby, malungkot, mabagal na naglalakad.

grandma: o gab, where's your star?

gab: andiyan sa bag.

hanap ang lola. tinaktak na lahat ng laman ng bag, binali-baligtad na. walang star. dahil wala talagang star.

naawa ako sa baby ko. so binigyan ko siya ng pep talk, siyempre.

me: galing-galing naman ng baby ko. siguro next week, may star ka na no?

gab: oo nga. sana yung hindi nalalaglag.

aba! nanindigan pa na may star siya. nalaglag lang. ano ba?!

well, she finally got her wish - she got a star... at yung hindi nalalaglag.