Sunday, June 26, 2005

kuwentuhang nakakaloka

iba talaga ang pakikipag-usap sa mga bata. ma-e-exercise talaga ang neurons mo. heto ang ilang eksena...

alex (my first born daughter): mommy, wag ka munang tatanda ha.
me: bakit, nak?
alex: basta. ayoko lang.
feeling ko, she's scared to lose me. masyadong attached sa kin e.
me: nak, lahat ng tao, tumatanda.
alex: ilang taon ka na ba?
me: (siyempre, di ko sasabihin sa inyo. sa anak ko na lang.)
alex: ha? ganun? tapos pag kunyari 9 na ko, ilan ka na?
me: (siyempre, di ko pa rin sasabihin.)
alex: ha? ganun?
me: nak, si grandma nena, 50 na ata. si grandma gege, 64 na.
alex: ganun? (namamagha kasi ang lalaki ng numbers na ito para sa kanya.)
me: nak, kung di ako tatanda, hindi ka rin tatanda. hindi naman maganda yun di ba?
alex: hmmmm... (isip-isip...)

*****************
tuksuhan sa bahay. binisto ni alex at ni yaya pie na crush ni gabby, my second-born daughter, na crush niya si vaness wu (tama ba spelling? di ako nanonood e.).
maya-maya... matapos ang pag-e-emote ni gab at konting iyak-iyakan portion...
me: (while hugging gab as we lay on the sofa) nak, may boyfriend ka na ba?
gabby: oo (aba! 4 years old pa lang ito. pero come to think of it, nakakarami na siya ng crush. di pa siya nagsasalita at naglalakad, nagbo-boywatching na siya sa mall. ang mga naging crush na niya, in chronological order: dao ming xi (tama ba ulit?), rainier castillo, spongebob (kaloka!) and now, vaness. di ko binibilang sa list yung toothbrush niya na naging crush niya for a minute nung sinabi sa kanyang bading si spongebob.)
me: matagal ka na bang may boyfriend?
gab: oo
me: bat di mo sinasabi sa kin?
gab: e kasi, magagalit ka.
me: di naman ako magagalit e. basta sabihin mo lang sa kin. secret natin yun. wag na natin sabihin kay daddy. wag mo na sabihin sa iba kasi tingnan mo, tinutukso ka nina ate and ya pie.
gab: sige.
konting bulong-bulungan portion. secret...

*****************
gab: mommy, pupunta mamaya sa house si vaness.
me: ows, anong oras?
gab: 8:00
me: bakit?
gab: kasi pupunta kami sa mall.
me: may date kayo?
gab: oo
me: masyado nang late yung 8:00, nak.
gab: di, may mall pa nun.
me: pero wala nang sun. sa bahay na lang kayo. eat na lang kayo dun.
gab: pupunta pa kami sa park.
me: wag na. madilim na dun.
gab: eh may park naman e.
me: walang park na malapit sa tin no. tsaka madilim na dun kasi wala na ngang sun pag 8:00. dun na nga lang kayo sa house.
gab: sige.

*****************
nakakakaba... 4 years old pa lang si gab. pano na kung nasa teen years na siya? sus! hihimatayin ata ako. malamang maunang himatayin asawa ko. mas ok na option na yung himatayin asawa ko kesa mamaril siya ng mga manliligaw, di ba? balak pa nga niya, mag-train ng attack dog e. hay...

3 comments:

Overratedbitch said...

any mement, lowlah ka na!

grabeh, mas mayabong pa yata ang love life ng mga bonakiz mo kesa sa akin.

hemingway, sana ma-meet ko na sila. baka bigyan ako ng tips on how to bag my mr. dream boy, charoz!

tinapa said...

isao, sorry ka. bongga anak ko!
dredd, sana makabisita ka. miss ka na rin ng 2.

Anonymous said...

nakaka lokah talaga mga kids ngayon!pero cool pa rin sila!to tina, u are very lucky to have kids,lalo na pag bibo!
to dredd,u look like my long lost friend.