lahat naman tayo, may mga maldita moments. in fairness, ako, nabawasan na considerably. totoo ata yung sinasabi nilang motherhood mellows you down. pero siyempre, kung nasa dugo na, a-attack at a-attack di ba?
natatandaan ko pa nga nung sa malacanang pa ako nagco-cover. biglang naghigpit ang p-s-g. lahat ng reporters nagreklamo. para kasing wala na minsan sa lugar ang paghihigpit, tapos ine-expect pa ng mga taga-palasyo na kahit ano pang network o diyaryo o radyo ka pa, na maganda ang isusulat mo tungkol sa presidente. so nagreklamo kami kay sec bunye sa biglaang paghihigpit. mahina pa nga yung boses ko nun dahil nasa ceremonial hall kami sa loob ng palasyo. mantakin mo, sinagot ako ni sec bunye ng, "alam mo, mas mataray ka pa kay presidente." i didn't know then if that was good or bad. i still don't know. pero ang sagot ko sa kanya, "sir, wala na kong magagawa dun. nasa dugo ko na yun e. pero sir, pano na yung coverage namin dito? sobrang higpit ng p-s-g."
anyway, nagsimula ata akong mag-mellow down nung tinext ako ni ma'am grace (boss ko) na huwag tarayan ang mga desk dahil napag-utusan lang niya ang mga ito. well, lumamig din naman ang ulo sa kin ni ma'am grace pero matapos pa ang ilang araw nang marinig niya ang paliwanag ko. misplaced agression marahil dahil ang kinainitan ko talaga ng ulo, ibang tao. na kinausap ko rin naman tungkol sa kabuwisitang ginawa niya. sabi nga ng spandau ballet, to cut a long story short, naayos ang lahat.
pati ang mga taong bumili ng itim na kandila para kulamin ako, nababaitan na rin sa kin ngayon. ang kandila, hayun! di pa nasisindihan.
at siyempre, nabura na sa performance appraisal ko yung datiy laging nakalagay na "needs to be more diplomatic in dealing with others."
marahil, may mga nakapansin na rin na may puso pala ako. kapuso nga di ba? inside the mataray exterior is truly a big heart of gold that bleeds everytime i see children begging in the streets, mothers who implore you to buy small supots of danggit so they have a few pesos to buy their sick child's medicine, etc etc.
pero warning lang sa mga balak mag-take advantage sa good samaritan self ko. hanggat di nade-drain ang dugo ko at nasasalinan ng bago, pipitik at pipitik pa rin ang mga maldita moments (though fewer and farther in between). because katarayan is genetic! you all should meet my mom. :)
5 comments:
hindi totoo yung sinabi ni bunye. hindi ka mas mataray kay gloria. pero definitely mas maganda ka no! (written out of fear with matching ngatog pa ng baba!)
taray ba o peste?
ay, si isaw pala ang peste.
lol.
si isaw, peste.
ako, cheap creep.
napakadali mo namang makalimot... mumble, mumble...
hayan, hindi yan magandang gawain. pag-usapan ba ako? assuming nga na ako si "isaw".
did i tell you of this one time you were a topic sa kule (about your gringo love affair)? nang-hitad ako, sabi ko, hindi kasalanan ni tina na mas magaling sya kesa sa PNP manghuli ng isang Gringo Honasan. bakit sya pag-iinitan ni gloria?!!?
naiisip ko lang na baka ka sinungitan ni bunye ay dahil ihm pa rin sa'yo ang malacanan. dyaz a tot.
iseey, di ikaw yung isaw na tinutukoy. may barkada kami, isaw tawag namin.
anywayz, nabasa ko ata yung kule na yon pero pahapyaw lang. feeling ko, ihm pa rin sa kin ang aunti patty, no matter how tight her hug was and no matter how big the thorns were on the rose she gave me.
Post a Comment