natatandaan ko, nung gr 2 ako, pinatayo ako ng adviser namin sa silya habang nagpa-practice kami for a program. gayahin daw ako ng mga classmate ko sa pag-indak dahil nasa tiyempo raw ako. dun ko pinaniwala ang sarili kong may talent ako sa pagsasayaw.
high school, napabilang ako sa isang grupo ng mga ghels. pag may program at kailangan ng mga sasayaw, join kami. sa sobrang pagka-manang ko nga, sa isang performance namin ako unang nagsuot ng mini skirt.
college, sumali ako sa isang sikat na organisasyon sa up. walang iba kundi ang samaskom. (walang aalma! marami kami!) sumasali ako noon sa live aids. (wag nang tanungin kung aling live aids. masama akong magalit. hehe!) pero di ako mapangahas nun kaya di ako nagta-tryout sa spot dance. puro sa production number lang. si jl nga, isa ring reporter at samaskomer, kinuwento sa akin nung pareho na kaming nasa industriya ng media na kaya siya sumali sa samaskom, kasi nakita niya akong nagsayaw sa isang recruitment churva namin.
ang isa ko lang na pinagsisisihan nung college, di ako nag-enroll sa pe social dance. yung teacher kasi dun, teacher din namin sa social dance nung high school. chika ng mga friends, ang lahat ng galing sa high school namin na nag-enroll sa college class niya, uno na agad kasi alam niyang natutunan na namin ang ibat ibang mga sayaw. tango... modern... chacha.
pero di lahat, interesado sa sayaw. lalo na sa chacha. kita mo ang mga mambabatas. (ok ba sa segue?)
matagal nang umaasa si hs na makiki-chacha sa kanya ang mga kapwa niya mambabatas. kaya nga palakpak sa galak si hs nung isulong din ito ni pgma.
sundot ni ac, parang sa kindergarten daw ito. "when you're happy and you know it, clap your hands. when you're guilty and you know it, wash your hands."
sabi pa ni pgma: "the sooner, the better" pagdating sa chacha. sagot daw ito para magkaisa na ang nahahating bansa. ang bansang kilala ngayon bilang "the 2 philippines."
pero may 2 modes din of changing the consti - the concon way and the con-ass way.
the concon way: voters elect delegates to the concon who will amend the consti. any provision can be changed - free for all, ika nga ni bn. hs says P8 bil would be needed. ca cj sez, that's only the initial amount. P2bil for the election and P5 bil for the operating expenses, including suweldo for the delegate and his 3 to 5-man staff. and that's only for 1 year. most probably, 2 delegates per district daw ang ihahalal. suma total: 400 plus delegates yon.
the con-ass way: sitting senators and congs will constitute the con-ass and will amend the consti. no additional funds needed daw. ang with con-ass daw, limited lang ang puwedeng i-amend na provisions. only those stated in the resolution constituting congress into a con-ass. but ca cj admits their motives might be questioned.
pero di raw dapat. ika nga ni ca cj, "if we monkey around and the people will reject (our amendments), we are sure to lose in the next election."
pero yung iba, di pa rin kumbinsido.
sagot ni im, wala raw sa panahon ang chacha. "yung chacha na lumang sayaw, na laos na, na wala nang sumasayaw kundi iilang matatandang heneral at mga nakalipas na pangulo." handa raw silang "makipag-harlem o creepwalk" na lang.
teka, di namin yun napag-aralan nung high school a.